KAPE MO
- Retroprospect

- Dec 9, 2018
- 2 min read

Iba't ibang uri na ng kape ang naglabasan. May kapeng matapang, mapait, creamy, matamis at meron din naman nung sakto lang. Kadalasang nagsisilbing pantanggal ng antok ang kape. Hindi mawawala ang kape na karaniwang tinitimpla sa umaga kadalasang nasa tasa na siyang ninanamnam ng ating mga lolo' t lola samahan mo pa ng mainit na pandesal at mga maiinit na balita sa dyaryo. May iba naman na nakasanayan ng inumin at kung minsan ay ito na rin ang nagsisilbing panulak nila.
Malaki ang pasasalamat ng marami na patuloy na nahuhumaling sa kape dahil ngayon ay maaari natin itong timplahin sa malamig na tubig, kung gusto mo yung pangmabilisan ba. Ngunit ano nga ba ang meron sa kape na gustong gusto nating mga pinoy. Sa malamang hindi lahat ay pamilyar sa mga butil ng kape dahil isang sachet lang ay ayos na para sa atin. Hindi natin alam na ang mga kapeng nasa mga sachet na iyan ay masinsinang pinagaralan at sinukat ang tamang timpla para mas maging masarap ang bawat timpla.
May tatlo uri ng coffee beans na dumaan sa iba't ibang temperatura at oras. Nariyan low heat o yung butil na pinainitan sa loob ng siyam na minuto sa karaniwang temperatura. Meron itong mataas na porsiyento ng acid at kadalasan manamis namis ang amoy at kulay light brown o manilaw nilaw bagay ito sa mga tao na mahilig sa matatamis. Pangalawa, medium heat, ang butil na pinainitan sa loob ng labing anim na minuto kadalasan kulay dark brown at balanse ang lasa at acidity at ito ay medyo matamis. Sa tingin ko eto yung kape na kadalasang tinitimpla natin yung kape na sakto lang sa panlasa. Panghuli, yung butil na ininiit sa loob ng dalawampu't limang sigund, ang kulay nito ay dark brown o halos kulat itim. Medyo oily din ang texture nito at ito yung kape na mapait o matapang at meron itong smoky taste. Eto naman yung paboritong timplahin ng mga lolo natin at yung mga matatanda sa mga baryo.
Malaki ang naging parte ng kape sa pangaraw araw nating pamumuhay kahit anong timpla payan, malamig man o mainit, matamis o mapait. Nasa atin na kung paano natin ito papahalagaan at kung pano tayo makakabuo ng magandang samahan kasama ang ating pamilya. Kaya itaas ang mga baso at isang kampay para sa kapeng pilipino.





Comments